Wednesday, May 23, 2007

sa maaga kong pagpalista

sapagkat pinalad akong maging kasapi ng lsat, maari akong makapagpalista sa aking mga klase ng mas maaga sa mga nakararami. kaya kaninang alas otso ay handa na akong pumunta sa rsf. pagdating ko doon, naroon na rin ang iba kong mga kaibigan na magpapalista rin. ang bagal ng aisis grabe. inabot ako halos ng isang oras para magpalista sa dalawang kurso palang. ayos lang. hindi naman ako natatakot maubusan ng klase.

kinuha ko si fr. meehan para sa theology 151. madaling i-A daw kasi, medyo boring nga lang. wala rin naman akong nababalitang magaling talaga na guro sa 151 kaya siya nalang kinuha ko.

ngunit para sa philosophy 103, kinuha ko si, tan-tananan-tanan!, mr. eddieboy calasanz. ang kapal ko siguro ngunit gusto ko maranasang magkaroon ng magaling na guro sa pilosopiya. marahil marami namang magaling pero sa tingin ko, walang tatalo kay eddieboy, lalo na sa pilosopiya ng relihiyon, kaya siya na. siya na talaga. kaya heto ako ngayon at nagsasanay managalog.

kumusta naman kasi yung guro ko sa pilosopiya noong nakaraang semestre, si mr a kl soh. hay. wala akong sama ng loob sa kaniya pero hindi ko lang siguro tipo ang istilo ng kaniyang pagtuturo. kapayapaan (peace!) mr soh. haha.

sana magkaroon ng mabuting kapalaran ang mga magpapalista bukas kasi marami-rami sila. ;p

2 comments:

chryss said...

haha. kaya pala parang puro ang iyong pananagalog.Ü gudlak kay calasanz! haha, may gouki ka naman, ayos lang yun!Ü

supergirl said...

wenk. sayang nga. ph104 yung nakuha niya kay calasanz.