ang saya ko paggising ko. naalala ko kasi ang nangyari kagabi. haha, ang sagwa. pero hindi naman. tungkol pa rin ito sa pagpapalista ko ng mga kurso. (obsessed na ba?) dalawang libreng iboboto (free elective) ang kukunin ko sa unang semestre. at balak ko noon pa na gamitin ang dalawang ito sa DS na kurso. ngunit kahapon ng maaga, mukhang malabong mangyari pa iyon sapgkat wala akong masyadong gusto doon sa mga nakahain para sa unang semestre at yung isang gusto ko talaga ay tatamaan ang oras na nakalaaan para sa thesis.
ngunit nang naisipan kong tinganan muli ang iskediyul ng mga klase kagabi, sobranga nakakatuwa. pinalitan yung iskediyul ng klase ni sir leland, yung gusto ko talagang kunin dahil magaling siya, at nadagdagan ang mga kursong nakahain. andun na si harvey keh at magtuturo ng isang klase, social innnovations seminar. yes! kaya sila ang kinuha ko. parang sinadya talaga na makuha ko ang mga klaseng ito. tadhana. naisip ko rin na sinadya rin ang hindi pagturo ni sir bobby guev ngayong semestre para balanse ang bigat ng trabaho. yikee.
sana lang hindi ko naman maramdamang wala ako sa lugar sa pagkuha ng klase na to. at sana marami akong matutunan na magagamit ko sa hinaharap. excited na ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
kung si sr.susay ang mag-comment dito, sasabihin niya marahil na grasya ng Diyos ang maalala mong mahal Ka Niya dahil sa sitwasyon mong iyan...
libreng iboboto? haha... OA ka naman.. pero nakaTUTUwa ang pagtatangka mong manaGALOg (hindi manalog)
sabi ko sa iyo, marunong ka naman eh
kaunting ensayo pa, babalik na ang likas mong kakayahan. kung gusto mong mas pag-igihin pa, sabi nila, ang inuulit ay yung unang pantig (syllable) ng salita..
hal: nakaTUTUwa hindi nakakatuwa
nakaTATAmad hindi nakakatamad
pero sa mga usapan, mas madalas nang gamitin yung mali..
swerte ka rin siguro dahil may early enlistment ka pa.. yung kasama ko na nag-OJT ngayon, 24 hrs na niyang tinitingnan, hindi pa rin siya tapos... talk about hang time
sana maging masaya ka sa darating na semestre, lalo na't puspusan talaga ang iyong paghahanda.
talaga? sabi sa amin sa filipino class iba daw yung dalawa. ie nakakatuwa vs nakatutuwa. ang gulo. haha
yikee. loveydovey. hehehe.
Post a Comment