Monday, September 10, 2007
GO ATENEO!
I'm so glad I went to the game. Camping out for a little over 12 hours was so worth it. :)
Or not. I could have not camped out yet still got to watch the game. Araneta Center Management sucks! Buwaya. Monday they said tickets were already sold out then come sunday, they still have upper B tickets. Upper B! Di man lang Gen Ad. Argh.
Tuesday, September 4, 2007
First Philo103 Long Test
(untitled)
Si Yossel Rakover ay isang Hudyong naging biktima ng Holocaust. Siya ay kathang-isip lamang ngunit sa pamamagitan niya ay nabigyan ng larawan ang pasakit at hirap na dinanas ng maraming mga Hudyo. Ang pagsasakatapuran ng Holocaust na isang malagim na kabanata sa kasaysayan ng tao, ay nagdulot upang magtanong ang marami kung bakit hinahayaan ng Diyos na magdusa ang mga mabubuting tao. Ang tanong na ito, sa unang tingin, ay tila sinasagot ng isa pang aklat, na ngayon naman ay nanggagaling sa lumang tipan – ang aklat ni Job. Si Job ay isang tao kinalulugdan ng Diyos sapagkat siya ay matapat at mabuti. Siya ay nagdanas ng kahirapan sa kamay ni Satanas sapagkat gustong patunayan ng Diyos na tunay nga Siyang mahal ni Job. Ngunit dahil hindi ito alam ni Job, siya ay patuloy na nagugulumihanan sa kaniyang pinagdadaanan. Maaring itulad si Yossel kay Job sapagkat ayon sa kanilang dalawa, sila ay naging mabuting tao at hindi nila kailangan ng parusa galing sa Diyos.
Tinuturing si Job ng mga dalubhasa na isang taong may malakas na pananampalataya sa Diyos sa kabila ng matinding paghihirap. Ngunit kung babasahin ang teksto nito, halos magkapareho ang sinasabi ni Job at ang sinasabi ni Yossel.
Pareho nila ninanais nang mamamatay sa lubhang pasakit na pinapagdaanan nila na tila baga sumusuko na sila – “Why did I not perish at birth, come forth from the womb and expire… For then I should have lain down and been tranquil; had I slept I should have been at rest,” (Job) at “Death, swift and abrupt, looks to us like a savior, like a liberator, like a shackle-breaker,” (Yossel).
Ipinipilit din nila ang kawalan nila ng kasalanan at ang kabutihan ng kanilang pagkatao – “I was eyes to the blind, and feet to the lame was I; I was a father to the needy; the rights of the stranger I studied,” (Job) at “When I look back on the past I can attest confidently, as confident as a man can be of himself, that I lived an honest life and my heart was full of love,” (Yossel).
Mayroon ding pagpapahiwatig ng mga kahirapang pinagdaanan: “My own utterance I shall not restain; I will speak in the anguish of my spirit; I will complain in the bitterness of my soul. Am I the sea, or a monster of the deep, that you place a watch over me? Why have you set me up as an object of attack; or why should I be a target you?” (Job) at “We the tortured, the humiliated, the strangled, the buried alive and burned alive, we the insulted, the mocked, the ridiculed, the murdered by the millions,” (Yossel).
Higit pa rito, pareho ginawang idolo nina Job at Yossel ang Diyos na kanilang sinasamba. Si Job, sa kaniyang patuloy na pagtatanong at pagkaawa sa sarili ay ipinipilit na ang Diyos ay isang makatarungang Diyos na hindi kailanma’y magpapahirap sa mga matapat sa kaniya. Hindi umaangkop ang kaniyang karanasan sa Diyos na ito sa Diyos na kaniyang kilala kaya naguguluhan siya ng lubos. Sa ganitong pananaw, masasabing pareho ang pagtingin sa Diyos ni Job sa pagtingin ng kaniyang mga kaibigan. Ang problema nga lang ay dahil siya ang pinapahirapan, si Job ay nalilito sapagkat alam niya na siya ay walang sala. Si Yossel din ay ginawang idolo ang Diyos na pinaniniwalaan niya. Nakatuon lamang ang kaniyang paningin sa Diyos na nagpakilala sa Lumang Tipan, ang Diyos na Tagapagligtas at Kampiyon ng mga Hudyo. Ang masaklap pa rito, ang Diyos na kinikilala niya ay ginamit niya bilang simbolo ng pagiging bukod-tangi ng
Ngunit kung tila magkapareho ang reaksyon nina Job at Yossel sa kanilang kinasapitan, anong ugali ni Job ang nagligtas sa kaniya upang masabi pa rin siyang nananalig nang tapat sa Diyos?
Nagkakaiba ang motibo ng panananampalataya ng dalawang tao tinalakay natin. Si Job ay naniniwala sapagkat pinipili niyang maniwala – walang ibang paliwanag ang maaring makuha mula sa pagbabasa ng aklat niya. Nang sinabihan si Job ng kaniyang asawa na huwag nang maniwala sa Diyos dahil siya ay pinapahirapan nito, sinagot ni Job na sapagkat tumatanggap sila ng mabubuting bagay mula sa Diyos, marapat lamang na tanggapin din nila ang masasamang bagay mula sa Kaniya. Sa kabila ng mga reklamo ni Job sa buong aklat, sa pagpapahayag na ito makikita na narating ni Job ang credere in deum, ang ganap na pag-aalay ng sarili ng walang mga kondisyon. Ang nibel ng pananampalatayang ito ayon kay Sto. Tomas ay maitutulad din sa pag-asa ni Marcel kung saan may buong pagtitiwala ang tao, may pagkabukas siya sa lahat ng maaring mangyari.
Ngunit kung titingnan ang pananampalataya ni Yossel, mapapansin na nakatuon sa sarili ang kaniyang pananampalataya. Siya ay naniwala hanggang sa huli sapagkat nakaugat sa paniniwalang ito ang buo niyang pagkatao. Ibig sabihin nito, sa kaniyang panananampalataya, siya pa rin ang sentro at hindi ang kaniyang pinaniniwalaan na Diyos. Ang pagkatuon ni Yossel sa kaniyang sarili ay makikita sa limang magkakakabit na aspeto.
Una, makikita ito sa kaniyang pagiging isang “loyalistang” Hudyo. Minamahal ni Yossel ang institusyong Hudeo at ipinagmamalaki niya na maging kabilang dito. Sabi nga niya, “I believe that to be a Jew is an inborn trait. One is born a Jew exactly as one is born an artist.” Sinasabi niya na ang mga Hudeo ay banal, na sila ang kumakatawan sa mabuti sa mundong ito na puno ng kasamaan, at dahil dito ay natural lamang na sila ang maapi kapag pinabayaan ng Diyos ang mundo – “The Jew is a hero, a martyr, a holy one.” Dagdag pa rito ay sinasabi niya ang mga paghihirap na dinadanas nila ay mas lalo pang nagpapadalisay sa kanila, “This Torah of ours has now been made even more holier and more immortal by the fact that it has been so degraded and insulted by the enemies of God.”
Malaki rin ang pagmamahal ni Yossel para sa Torah, “[representing] the loftiest and most beautiful of all laws.” Makikita na naman dito ang pagmamahal ni Yossel sa institusyong Hudeo at masasabi na mahal niya ang Tora sapagkat isa itong simbolo ng pagkadakila ng Hudyo. Ang isang komunidad ay itinatatag ang sarili nila sa pamamagitan ng pag-amin at pagpaliwanag sa isang kasulatang pinaniniwalaan nilang banal, tulad ng nasa ikalawang hermeneutikong bilog, hindi maikakaila na ang pagmamahal ni Yossel sa Torah, na sinasabi niyang higit pa sa pagmamahal niya sa Diyos, ay nagpapakita ng pagmamahal niya sa pagiging espesyal ng kaniyang lahi.
Ang pagmamahal niya sa
Pagkatapos buuin ang isang Diyos na magbibigay-kahulugan sa pag-iral ng komunidad ng mga Hudyo, dinidiktahan niya rin ang Diyos na ito ng mga responsibilidad, ayon sa Diyos na kilala niya mula sa Lumang Tipan. Sinasabi na sapagkat pinili niyang manalig, may utang sa kaniya ang Diyos na dapat lamang nitong bayaran. Bukod pa rito, hinihingi niya sa Diyos na ipaghiganti sila sa mga nagpahirap sa kanila, lalo na sa mga taong hinayaan lamang silang magdusa. Ang Diyos na mapaghiganti ay bumabagay sa Diyos na inilarawan sa lumang tipan.
Ang pinakamasaklap na bahagi rito, pagkatapos lumikha ng Diyos niya at panampalataya rito, sa kaniyang kayabangan ay ipinipilit niya pa rin ang kaniyang sariling kagalingan. Nakikita ko ang pinakadulong dahilan ng pagkapit ni Yossel sa kaniyang pananampalataya bilang pagtangging magpatalo sa Diyos. Sinasabi niya sa huli na sa kabila ng lahat ng pasakit na itinapon sa kaniya ng Diyos, patuloy pa rin siyang maniniwala. Tila ang mga pangyayari sa buhay niya ay naging isang paligsahan sa pagitan ng kapangyarihan ng Diyos at katigasan ng ulo ng tao. Naniwala si Yossel hanggang sa huli upang mapatunayang hindi siya susuko.
Sa diskursong ito makikita na ayaw ni Yossel pakawalan ang kaniyang sarili. Nananatili siyang sarado sa anumang paglapit sa kaniya ng Diyos at pinipili niyang kumapit sa kaniyang itinatanging at dinadakilang Hudeong lipi at sa kanyang ginawang idolo ng Diyos. Gusto niyang manalo, ayaw niyang maging bukas sa anumang rebelasyon o epiphany hanggang sa oras ng kaniyang kamatayan. Hindi ito tunay na pananampalataya. Upang tunay na manampalataya, kailangang basagin ang mga imahen natin ng Diyos at subukang lumampas sa mga ito. Mas nakakatawag-pansin ang karanasan ni Job sa pagkabasag ng mukha niya ng Diyos sapagkat ang Diyos mismo ang sumagot at nakausap sa kaniya, kaya nagkaroon siya ng malaking pagkakataon upang bawiin ang kaniyang mga naunang pahayag at pagkakahon sa Diyos. Natanto rin ni Yossel na nababasag ang kaniyang imahen ng Diyos bilang kampiyon ng mga Hudyo, na hindi sumusunod sa hulma ng Lumang Tipan ang Diyos na nagpapakilala sa kaniya ngayon, kaya rin nag-iba ang kaniyang relasyon dito. Sa pagkabasag
Maari ring sabihin na walang ganap na pag-aalay ng sarili si Yossel sapagkat may kapalit ang pagtanggap niya sa mga nangyari sa kaniya. Sa credere in deum, may pagpapaubaya ng sarili sa anumang nakahain para sa kaniya, masama man o mabuti, dulot ng matinding pagmamahal sa Diyos at kagustuhang dakilain ang Kaniyang ngalan. Si Yossel ay tumalima sa mga paghihirap sa kaniya, una dahil wala na siyang kontrol dito, at pangalawa dulot ng kagustuhang itaas ang sarili at ang Hudeong komunidad. Sinabi niyang nagpaka-martir siya ngunit ginawa ito upang bigyang puri ang sariling kapasidad na manalig sa kabila ng kahirapan.
Sa huling paglalagom, hindi nagpakita si Yossel ng tunay na pananampalataya sapagkat ang kaniyang intensiyon ay hindi dalisay. Dakila ang pagmamahal niya sa institusyong kaniyang kinabibilangan at napakahalaga sa kaniya ng dangal at puri ng sarili at ng komunidad na ito. Ito ang nagtulak sa kaniya upang magpakasakit sa ngalan ng relihiyon at mamatay para dito, hindi ang dalisay at ganap na pag-aalay na sarili para sa Diyos.
Friday, August 17, 2007
Yearbook write ups
May mumunting butong napadpad sa masukal na lupa, kaagaw sa sustansiya at liwanag ang mga damong hindi naghirap tumubo roon. Pero pinalad ang buto nang marinig nito ang tawag na lampasan ang sariling sisidlan, na magbunga kahit hamunin ng mundo. Munti man, siksik ng yamang mapayayabong ang laman. Dumaan ang panahon, patuloy na sinikap ng buto ang kumilos palabas ng sarili kasabay ang pagpapadalisay ng niloloob, nag-aasam na malapitan at bigyang-lugod ang Liwanag. Matiyaga itong nag-ugat sa lupa sa kabila ng daluyong ng mga elemento. Kaya nagsimulang sumibol ang angking buhay at ganda ng dati'y mumunting buto! Sa paglabas nito sa mas malawak na mundo, tangan nito ang panalanging maabot ang mga inilaan dito-- ang luwalhatiin ang Liwanag, ang bigyang gabay at buhay ang mga buto pang darating, at Meron pa. (by Gerald)
Cool eh? I also wrote one for a friend but I doubt he'd use it. Weird kasi. But so it won't be a complete literary waste:
A boy was playing by a brook. The brook gurgled and cooed as the water daintily splashed against the rocks, in harmony with the chirping of birds. Tiny waves erupted almost gracefully; the water dancing, glistening in the sun. The little boy ignored all these, throwing then catching his ball. He remembered his father saying something about shallow waters being the noisiest. Running to chase his ball rolling downhill, the boy expected to come to the end of the brook. Yet it appeared to be leading somewhere beyond itself. At last he came to a magnificent river. The boy saw little schools of fish swimming through crystal waters which somehow also reflected the surrounding trees it nourished. Little animals scampered here and there – life was abound. The boy realized he was foolish, and the ball lay forgotten.
Thursday, July 26, 2007
after hibernation
Sabi nga ni Diether, ang imahinasyon ang pinakamahalagang bahagi ng buhay natin. (I love it.) I therefore pledge to use my imagination in the service of others. (haha, ang kapal. Well, at least I'll try to.)
P.S. Got The End of Poverty Na! Yay.
Tuesday, June 19, 2007
National Bookstore Finds
Gusto ko rin ng Development As Freedom (Amartya Sen), Blink (Malcolm Gladwell), Think! (Michael LeGault), and Good Omens (Neil Gaiman and Terry Pratchett). Haha. Na-obssess kasi hindi makabili. :D
Wednesday, June 13, 2007
first day high
I almost did not make it to the second one, Social Innovations Seminar I with Mr. Harvey Keh. Mr. Leland dela Cruz, the Development Studies Department Chair himself, sent me this text message earlier in the morning:
This is leland from development studies. Just wanted to chek if you know that the course is a one year course and it will require you to establish a social innovative at the end of that year. If you have questns, pls call us at 4266001 local 5219. We cn facilitate transfer to another clas without load rev
Haha. Scary. Actually, I knew that the class is actually the thesis class for DS majors, but I didn't bother to ask if I could be allowed to take only the first half of the course. So anyway, I went to the DS Department all the while dreading to talk to Sir Leland. I know he's nice and everything but he intimidates me. However, luck was on my side for Sir Harvey himself was in the office as well so it was him I ended up talking to. He had no problem in my taking his class and I told him the work I would do for the first semester would not go to waste because I would be pairing up with Jaymee (Go Jaymee!) So yay, I'd be at the class later at 6pm.
Monday, June 4, 2007
free me from negativity
**
Kudos to Yan-Yan for fixing my laptop, which I'm using as of this moment. Yey! Clap, clap. Thanks friend. :)
Saturday, June 2, 2007
I want to look like her in this photo!
up and running
Anyhow, because of Pau's very encouraging post (thanks pau, you're the best!), I have willed to pull myself together and put my life back into place. As Gerald just told me a while ago, you've got to have a sense of urgency early on when things aren't really urgent yet or else the circumstances will force to have this sence of urgency themselves. Starting this second, I'm officially shifting to supergirl mode again. Haha.
On to other things:
**
Leung Chiu Wei and Willy were cartoonists. One day when they were on the way to office, they knocked down a lady-ghost Joey Wong. Joey's spirit was thus thrown into the human world. Joey knew nothing as it was the first time she came to a mundane of environment. At this time she met another demoness - Deanie Yip. Yip and her son were sentenced to death by village people because of adultery. Yip didn't do it but nobody believed her. Yip's only hope was to make her son revive from death. Thus when Yip met Willy, she selfishly kept herself and her son inspired by Willy's human spirit. She also intended to hurt Wei the same as well. Since Joey had fallen in love with Wei, she helped Wei to get away from Yip. Joey encouraged Wei to become a good cartoonist. Wei getting more and more famous. Joey became weaker and weaker being hurt by Wei's flourishing human vitality. Wei and Joey in fact were lovers in their previous lives. They were bound to be lovers again.
Monday, May 28, 2007
life's a bitch sometimes
1. your laundry's been piling up for over a couple of weeks
2. you get pissed off when your parents check up on you because you know you haven't been doing well lately
3. you are running very low on cash, so much that you might have to eat out of cans for quite some time to survive
4. you say shit everytime you get reminded of things you're supposed to do but don't really want to start on just yet
5. you're bedroom's all cluttered and messy
yep, i'm in trouble. i've always found myself stuck in a glitch every so often it's a wonder i've never really learned. i guess i'm just too slow. every day, i feel like life is trying to pull the rug off my feet that i have to run and rush just to keep up. i feel like i'm missing half of my life with all this rushing and keeping up. damn.
Sunday, May 27, 2007
Your Heart Today
Where there is fear I can allay
Where there is pain I can heal
Where there are wounds I can bind
And hunger I can fill
REFRAIN:
Lord, grant me courage
Lord, grant me strength
Grant me compassion
That I may be Your heart today
Where there is hate I can confront
Where there are yokes I can release
Where there are captives I can free
And anger I can appease (REFRAIN)
BRIDGE:
When comes the day I dread
To see our broken world
Compel me from my cell grown cold
That Your people I may behold
Where there is fear I can allay
Where there is pain I can heal
Where there are wounds I can bind
And hunger I can fill (REFRAIN)
CODA:
And when I've done all that I could
Yet there are hearts I cannot move
Lord, give me hope
That I may be Your heart today
**
Saw a nice blog entry relevant to the topic. I hope I don't seem like a stalker. haha
Scroll down to the bottom. If it can relate to it, you're on the right track. :)
Thursday, May 24, 2007
revolution!
You'll create change as an Activist
Your philosophy? Make it happen! With your big heart and willingness to take initiative, it should be no surprise that you’ll change the world through your direct actions. While others might be more content working behind the scenes, a direct go-getter like you is more fulfilled by working on the front lines.
Willing to roll up your sleeves and get the job done, you know the world won’t wait for others. Whether you’re volunteering at a soup kitchen in your own backyard, or joining the Peace Corps to learn from and help others in developing countries, chances are, you know every individual can help make big change.
Feel ko barbero yung test. But still... This is actually a big dream of mine. To change the world. And not just in my "own little way". I want to do it big time. Actually it's not for the prestige, although it would be nice to get famous haha, but there are just a lot of injustice going on in this world and I would like to die knowing that I did something that really helped a lot of people. It just breaks my heart to see people living in the streets. It makes me cry to see old people begging for our loose change. The world often seems so unfair it makes me so mad and so sad at the same time. People who have done nothing but make themselves richer, sometimes even at the expense of other people, just living in those big houses, living luxuriously and eating 10x a day while there are just so many out there starving. Argh. And the sad part is, I don't have the guts to do anything about it. Oh yes I can do something about it if I really wanted to do, like all the people who made a difference by starting out with the will to do something, but I still haven't. I know the power of sheer willpower is very strong. It changes lives. So I hope I can rise above myself and start doing something. In the meantime, practicing preferential option on a personal level would do me a lot of good. You know how sometimes the easiest things tend to be the hardest ones to do?**
check this out: aisissucks.blogspot.com.
nakakatawa grabe. may aisis pick up lines pa. haha. pero sana huwag namang immature. ;p
good friends are priceless
Wednesday, May 23, 2007
God loves me
ngunit nang naisipan kong tinganan muli ang iskediyul ng mga klase kagabi, sobranga nakakatuwa. pinalitan yung iskediyul ng klase ni sir leland, yung gusto ko talagang kunin dahil magaling siya, at nadagdagan ang mga kursong nakahain. andun na si harvey keh at magtuturo ng isang klase, social innnovations seminar. yes! kaya sila ang kinuha ko. parang sinadya talaga na makuha ko ang mga klaseng ito. tadhana. naisip ko rin na sinadya rin ang hindi pagturo ni sir bobby guev ngayong semestre para balanse ang bigat ng trabaho. yikee.
sana lang hindi ko naman maramdamang wala ako sa lugar sa pagkuha ng klase na to. at sana marami akong matutunan na magagamit ko sa hinaharap. excited na ko.
sa maaga kong pagpalista
kinuha ko si fr. meehan para sa theology 151. madaling i-A daw kasi, medyo boring nga lang. wala rin naman akong nababalitang magaling talaga na guro sa 151 kaya siya nalang kinuha ko.
ngunit para sa philosophy 103, kinuha ko si, tan-tananan-tanan!, mr. eddieboy calasanz. ang kapal ko siguro ngunit gusto ko maranasang magkaroon ng magaling na guro sa pilosopiya. marahil marami namang magaling pero sa tingin ko, walang tatalo kay eddieboy, lalo na sa pilosopiya ng relihiyon, kaya siya na. siya na talaga. kaya heto ako ngayon at nagsasanay managalog.
kumusta naman kasi yung guro ko sa pilosopiya noong nakaraang semestre, si mr a kl soh. hay. wala akong sama ng loob sa kaniya pero hindi ko lang siguro tipo ang istilo ng kaniyang pagtuturo. kapayapaan (peace!) mr soh. haha.
sana magkaroon ng mabuting kapalaran ang mga magpapalista bukas kasi marami-rami sila. ;p
Tuesday, May 22, 2007
haha
pero excited na ko kasi maraming core subjects. yey! sad nga lang kasi di pala magtuturo si sir bobby guev. on leave daw siya. at hulaan kung pano ko nalaman 'to. eh di pinuntahan ko siya sa theo dept. ang kapal talaga. nung paakyat na ko sa dela costa, na-realize ko rin na nakakahiya. buti nalang kasama ko sina kt at pau, sabi ko. or so i thought. anyway tamang-tama, di pa kami matagal sa loob ng theo dept biglang pumasok si sir bobby.
ako: sir bobby guev, magtuturo po ba kayo ng first sem?
BG: hindi, on leave ako.
ako: ah. pero sa 2nd sem po?
BG: ah oo. pero maraming magtuturo ngayon. sina mark lawrence at harvet keh... magagaling lahat yan.
ako: ok po. thank you.
(BG leaves)
(laughter heard from behind)
(precious swirls to face her friends)
pau: nakakatawa ka. sir bobby guev tawag mo sa kaniya.
ako: bakit? mali ba?
kt: tsaka anong ginagawa mo sa kamay mo habang kinakausap siya? para kang paru-paro.
(i turn red)
pau/kt (blob kasi kami): namumula ka
ako: naku, matatandaan niya kaya mukha ko? nahihiya na tuloy ako. mukha ba talaga akong tanga kanina?
kt: baka kasama ka na sa kuwento niya sa class niya next time. sasabihin niya, pasensiya na kung andito siya pero dati may paru-parong kumausap sakin dati...
hay naku. mga kaibigan talaga. haha. at para naman akong tinataboy ni sir bobby guev, nagrecommend ng ibang teachers. :)
so mag-theo151 muna ako. di ko pa alam kung sino. di ko kasi inakala ang pangyayaring ito. parang sinadya. anyway, bahala na.
Saturday, May 12, 2007
dirty word
despite the knowledge that there are important things to be done, i always manage to sleep my nights away, and very soundly at that. will to power, that's what i need, as someone once (or twice) told me. argh!
doing my best seems one of the most difficult things to do lately. and the funny part is, i know exactly what i have to accomplish and why i have to do it.
***
elections are coming up very soon, and i still don't know who to vote for. why some people actually want to vote for ping lacson, please enlighten me. anyhow my dad told me he was voting for trillianes, the guy involved in the coup, and when i asked him why, he said that he was a symbol of anti-corrruption or of anti-government or something like that. i was surprised he even considered the guy but i kind of got his point.
one of the main reasons i'm not even sure who to vote for at this point is that everybody seems dubious. i mean you go with team unity and there's gloria. the gloria with the pig of a corrupt husband, her phone pal garci, and angelo reyes as denr secretary (what's srong with you woman? why him of all people?!). and then you go to the opposition and there's erap! the erap we ousted a few years back with his midnight cabinet and mistresses' houses. and then when you try to examine the candidates themselves, you have to be able to see the discrepancy between their claims and what they've actually done. unfortunately, a lazy bum like me doesn't have time to do this.
doesn't the church have any manual for us or something? i think they have. speaking of manuals, my dad told me the comelec should actually have distributed their manuals to the voters. he got one. yeah, like that's really going to happen.
argh, politics is just so complicated and dirty. no wonder so many people don't believe in it anymore. the whole thing is structurally disordered. it wouldn't be half as bad if everyone was well-off but we are a third world country, with poor people actually starving! hopeless... but we can never be in a state of hopelessness. as long as we're alive, there would always be hope. (no marcel pls).
bow.
Monday, April 23, 2007
St. Ignatius rocks!
Self-Rating
Anyhow, I read the papers today, both PDI and Star (yes, proud).
- Vatican says limbo does not exist so babies who die before they are baptized go straight to heaven. Yey. Well sana lang ano, ang cute nila tas di sila gagawing cherubs ni God. Aww, ang cute ng babies, lalo na yung may mga fat, sagging (is there such a word?) cheeks. *pinch, pinch, (gentle pinches lang), hug, smell. :)
- College Valedictorian of UP is a 16-year old girl. BS Physics pa. And the nice thing is I don't think her social and emotional development were compromised because of her super acceleration. Before I read this article, I was not really in favor of super acceleration programs because I didn't think kids could adjust to their older peers. But this girl proved me wrong. I got the impression that her parents and teachers really took care of her so she won't feel out of place in a college setting. Galing. And I learned that advanced programs are really needed by genius kids so that their fast learning skills are matched.
- nakalimutan ko na yung iba. haha.
From now on, I vow to always keep my learning radar on the look out. This will be hard work but I think that this is necessary, especially since half of my brain turned to mush during my Pisay years.
Hasta la vista.